Friday, December 26, 2008

kalokohan nga pala..

ang na meron ako ay katulad ng isang malaking tanghalan. ang mga bagay sa loob nito ay pwedeng totoo at pwede ring isa lamang palabas. ginawa lang ng isip..

ginawa ng isip para manglinglang o magpadama ng mga emosyon. pinaglalaruan lang ang mga taong nakakakita nito.

pagmumukhaing katulad ng isang bagay o pangyayari, at kapg nagsisimula ka nang matuwa sa mga nangyayari, sasarahang bigla ang tabing ng tanghalan.

babawiin ang mga binigay, dahil ang mga ito ay pahiram lamang na di kailangan magtagal sa mga tunay na may emosyon.

walang makakaisip na ganito lamang ito. dahil sa simula pa lamang ay mapapaniwala ka na ang mga nangyayari ay kapanipaniwala. at unti-unti mong sisirain ang sarili mong buhay dahil sa pagbagsak di mo inaasahan. at lalapit ang mga tao sa iyong paligid para damayan ka panandalian. dahil ikaw mismo ang makakatuklas na ang mga taong ito ay sumisira sa mga bagay na nagpapasaya sa iyo.

magsisilbing poste na susuporta sa iyo, ngunit sa oras ng problema bigla na lang babagsak.

at magsisimula na ang malaking pagbabago sa buhay mo. pagbabago na magdudulot ng matinding gait sa isyong sarili at sa mga taong nasapaligid mo.

malilimutan ka ng mga tao, at sa iyong muling pagbangon walang makakaala-ala. at dito maiisip mo na magsimula para ibalik ang mga bagay na ibinigay nila ng permanente sa iyong puso at isip. ibagsak ang mga taong salot. salot sa pagkatao mo.

ikaw nag gagawa ng isang napakalaking tanghalan. tanghalan ng pagbagsak at kamatayan.

No comments: